top of page

A Heartfelt Tribute to Our Unforgettable Journey Together

  • Writer: JANE
    JANE
  • Oct 27, 2025
  • 2 min read

Updated: Feb 13

Cherishing Our Memories


At hindi malilimutan ating pinagsamahan. Ang awitin kong ito ay sa inyo nakalaan. Kayo’y nakatatak, at hindi mabibiak. Itong grupong binuo natin, hindi mawawasak.


Naaalala n’yo pa ba noong magkakasama pa tayo? Sa lakas ng tawa natin, natitigan na ng tao. Halos di na nga natin napapansin ang orasan. Paano ba naman kasi, ang lulupit ng basagan!


A Year of Togetherness


Sa isang taon na pinagsamahan natin, salamat. Kung isasalaysay ko lahat, dito ay di sapat. At noong araw ng pagtatapos, lahat tayo lumuha. Mahigpit na yakapan ang alay ng bawat isa.


’Wag natin isipin na ito’y isang pamamaalam. Umpisa pa lang ito sa tagumpay na inaasam. At sana pag naabot n’yo ang inyong mga pangarap, ’wag kayong tatalikod sa mga taong tumanggap.


The Journey Ahead


Kapag sa lakaran, gagawa ng paraan. Kahit sa pag-uwi, tiyak na mapagalitan. Hindi ininda ang lahat ng ito basta’t makasama lang ang mga kaibigan ko.


Aminado ako na hindi na mababalik ’to. Mabuo tong muli ay hindi ko na sigurado. Ang mga alaala’y mananatili sa isipan. Pinapangakong babalikan sa pinanggalingan.


Celebrating Our Friendship


Napakasaya ko na nakilala ko kayo. Di maipinta ang saya na nadama ko. Lalo na ’nung mga araw na nagtatawanan tayo. Sa galaan may kulitan, may tampuhan pa nga tayo.


Pero kahit ganon, sa puso kayo ang bida. Kahit na marami pang bagong kaibigang makilala. Natural lang iyon, alam ko na ganon ka rin. Pero sana pag nagkita, ako pa rin ay pansinin.


Supporting Each Other's Dreams


Ang mga pangarap natin, sana ay iyong maabot. Pag kailangan mo ng tulong ko, agad na sasagot. Asahan n’yo na hindi ko kayo iiwanan. At hindi mapapagod makinig sa ’yo, kaibigan.


Sa huling pagkakataon, nais kong malaman n’yo. Na kayo ang nagbigay ng kulay sa aking mundo. Sa inyo ko na binuhos lahat ng problema ko. Salamat, at kahit papaano ay nabawasan ’to.


Embracing Our Differences


At kahit na minsan ay tayo’y nagtatalo. Sa bagay-bagay, lalo na sa pagpaplano. Pero pag natapos, tatawanan na lang. At ating masasabi, “Di bale na lang.”


Moving Forward Together


Kampihan? Di kailanman nauso sa amin. Sa halip ay tutulungan ang mga kasama namin. Na magkaayos, at di na muling mag-away. Okay agad, ’di nasayang aming laway.


Mahirap man isipin, kailangang tanggapin. Ang panibagong buhay kailangang harapin. Pero sana naman, lahat tayo’y mananatili. Na buo ang loob, at may tiwala sa sarili.


Conclusion: A Lasting Bond


At hindi malilimutan ating pinagsamahan. Ang awitin kong ito ay sa inyo nakalaan. Kayo’y nakatatak, at hindi mabibiak. Itong grupong binuo natin, hindi mawawasak.


As I transition into the VA industry, I carry these memories with me. I am skilled and eager to learn more. I’m proactive in my self-training. I look forward to empowering others as I have been empowered by you.



Comments


bottom of page